Pilipinas, dapat manguna sa listahan ng benepisyaryo ng COVAX facility

Umaapela si Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa World Health Organization o WHO na ipwesto ang Pilipinas sa unahan ng listahan ng mga benepisaryo ng COVAX facility.

Giit ni Pangilinan, mahalaga na mai-deliver agad sa Pilipinas ang COVID-19 vaccine mula sa COVAX facility.

Diin ni Pangilinan, ito ay para hindi mauwi sa humanitarian crisis ang matinding paglobo ng COVID-19 cases ngayon sa bansa na magbubunga ng pagbagsak ng ating healthcare system.


Kaugnay nito ay hinikayat ni Pangilinan ang Inter-Agency Task Force o IATF na mas agresibong makipag-negotiate sa WHO para sa agarang delivery ng bakuna.

Paliwanag ni Pangilinan, parang apoy na kumakalat ngayon ang COVID-19 at sinasapawan na ang ating healthcare capacity.

Umaasa rin si Pangilinan, na paninindigan ng international community na global public good ang vaccines, at sisiguraduhin ang abot-kaya at patas na access sa bakuna para sa lahat.

Facebook Comments