Pilipinas, dapat mayroong joint patrols kasama ang iba pang kaibigang bansa ayon sa dating envoy

Dapat magkaroon ng joint sovereignty patrols ang Pilipinas sa Estados Unidos at iba pang kaibigang bansa.

Ayon kay dating Philippine Ambassador to the United States Jose Cuisia, hindi kaya ng sariling pwersa ng militar na komprontahin ang China.

Dagdag pa ni Cuisia, maaaring mag-request ang Pilipinas sa US na magsagawa ng joint patrols para depensahan ang inaangkin ng bansa sa West Philippine Sea kung saan patuloy na inookupa ng mga barko ng China.


Kapag nakita ng China na nagsasagawa ang Pilipinas at US ng joint patrols ay sila na mismo ang mag-iingat.

Maaaring humingi ng permiso ang Department of National Defense (DND) mula kay Pangulong Rodrigo Duterte bago makiusap ng joint patrols sa US.

Ang Japan at Australia ay maaari ring tumulong sa Pilipinas sa pagsasagawa ng military patrols sa karagatan ng bansa.

Facebook Comments