Pilipinas, nanalo sa halos lahat ng palaro sa 30th SEA Games

Hawak na ng Pilipinas ang overall Championship sa 30th Southeast Asian Games.

Ito’y matapos magdominante sa halos lahat ng palaro ng Regional Sports Event.

Naghahari pa rin ang bansa sa basketball nang makuha ng Gilas Pilipinas Men’s and women’s team ang back-to-back Gold Medals


Makasaysayan ang sa Gilas Women nang makamit nila ang kauna-unahang kampeonato nang magtapos sa 91-71 ang laro kontra Thailand, habang tinambakan ng Gilas Men ang Thailand, 115-81 para sa kanilang 13-straight title.

Dalawang Ginto pa ang nadagdag sa medal rush ng bansa nang magdomina si Eric Cray sa Men’s 400-Meter Hurdles at Aries Toledo sa Decathlon.

Nag-uwi sina Annie Ramirez at Adrian Guggenheim ng Ginto sa Jiu-Jitsu, habang dalawang ginto rin ang napanalunan nina Jean Claude Saclad at Gina Iniong sa Kickboxing.

Gintong Medalya ang inuwi ni Chezca Centeno at Rubilen Ami sa Women’s 9-Ball Pool Doubles.

Sa E-Sports, lumambat ang Team Sibol ng ikatlong Gintong Medalya nang manguna si Caviar Acampado sa Starcraft II.

Nag-ambag din ng Gintong Medalya ang Men’s Trap Team, at ang Men’s Soft Tennis Team.

Tumatak din ang Men’s Volleyball Team dahil nakapasok sila sa Finals sa unang pagkakataon mula pa noong 1977, nasungkit nila ang Silver Medal matapos matalo sa Indonesia sa tatlong sets.

Target ng Pilipinas na makolekta ang Gintong Medalya sa Beach Handball kasabay ng paghaharap ng pambansang koponan sa Indonesia ngayong araw.

Facebook Comments