Pilipinas, fastest growing country in the world ayon kay PBBM

Courtesy: Presidential Communications Office

Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang gumagandang estado ng bansa.

Sa naging event ng presidente nitong nagdaang weekend sa Cebu, sinabi ng pangulo na fastest growing country in the world ang Pilipinas.

Inihayag ng pangulo ang magandang balitang ito patungkol sa ekonomiya ng bansa sa pakikipagpulong kamakailan sa business community ng European Union.


Ibig sabihin nito ayon sa Punong Ehekutibo na nasa tamang direksiyon ang tinatahak ng bansa.

Tama rin ayon pa sa pangulo ang mga iniisip at ipinaglalaban ng administrasyon.

Ipinunto rin ng pangulo na mahalagang magsama-sama at magkaisa sa gitna ng umaayos na ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments