Pilipinas, hahanap ng COVID-19 vaccine para sa mga senior citizen

Mas magiging maingat ang Pilipinas sa pagpili ng COVID-19 vaccine na ituturok sa matatanda.

Kasunod ito ng ulat na 23 Norwegian senior citizens ang nasawi matapos na maturukan ng bakuna ng Pfizer.

Sa isang panayam, sinabi ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer and vaccine czar Carlito Galvez Jr. na matapos marinig ang balita ay agad siyang nakipagpulong kay Health Secretary Francisco Duque III para pag-usapan ang kanilang plano sa pagbabakuna sa mga senior citizens


Aniya, maganda ang orihinal nilang plano na bakunahan lang muna ang mga nasa edad 18 hanggang 59 at hahanap sila ng bakuna na pang-matanda talaga.

Pagtitiyak ni Galvez, hindi mangyayari sa bansa ang kaparehong insidente oras na simulan na ang pagbabakuna.

Kaugnay nito, mayroon na aniyang task force na binubuo ng mga vaccine expert para suriing mabuti ang history ng mga bakuna at bantayan ang COVID-19 vaccination program sa bansa.

Facebook Comments