Pilipinas, handang tugunan ang bagong COVID-19 variant

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na handa ang Pilipinas na tugunan ang bagong COVID-19 variant.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, patuloy na pinalalakas ng gobyerno ang responses nito sa pandemya.

Kabilang na rito ang PDITR – Prevent, Detect, Isolate, Treat at Reintegrate strategy.


Ang kasalukuyang critical care utilization rate sa bansa ay nasa 50%, ibig sabihin kinakaya pa ng mga ospital ang pagdating ng mga kaso.

Nanawagan din si Duque sa mga Local Government Unit (LGU) na mahigpit na ipatupad ang isolation ng COVID-19 patients at kanilang close contacts.

Facebook Comments