Pilipinas, handang tumanggap ng Chinese vaccines mula sa COVAX – Galvez

Naghayag ng interes ang Pilipinas na tumanggap ng Chinese vaccines na magmumula sa COVAX facility.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Gavlez Jr., magsisimula na ang COVAX na mamahagi ng bakuna sa mga beneficiary countries gaya ng Pilipinas.

Aniya, handa ang Pilipinas na tumanggap ng Sinovac o Sinopharm vaccines at maaaring dumating ang mga ito na susunod na buwan.


Matatandaang lumagda ang Vaccine alliance GAVI ng dalawang advance purchase agreements sa Chinese drug makers para makapagbigay ng hanggang 550 million COVID-19 vaccine doses.

Kabilang na rito ang 170 million doses ng Sinopharm at 380 million doses ng Sinovac.

Facebook Comments