Pilipinas, hihingi ng tulong sa Israel para sa pagpapabuti ng lagay ng pagbabakuna

Hihingi ng tulong ang Pilipinas sa Ministry of Health ng Israel para sa pagpapabuti ng lagay ng pagbabakuna sa bansa kontra COVID-19.

Sa inilabas na pahayag ng National Task Force on COVID-19, sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., na tatlong eksperto mula sa Israel ang nakatakdang dumating sa Pilipinas sa ika-20 ng Hunyo.

Partikular na pag-uusapan ng mga ito ang iba’t ibang estratehiya sa pagbabakuna, pagtugon sa pagdadalawang-isip ng mga Pilipinong magpabakuna at ang unti-unting pagbabalik sa new normal.


Maliban dito, sinabi rin ni Galvez na pag-aaralan din ng bansa ang ginawa ng Israel at i-apply ito sa Pilipinas kung saan ilan sa mga ito ay ang; pagbibigay insentibo sa mga nabakunahan na at pananatili pa rin ng restriksyon sa mga wala pang bakuna.

Ang Israel ay isa sa mga bansa sa buong mundo na tinanggal na ang outdoor face mask policy kung saan ipinatupad ito noong ika-18 ng Abril.

Facebook Comments