Pilipinas, hindi dapat mabahala sa panukalang alisin ang security aid ng Amerika sa bansa; US, mas malaki ang pakinabang sa Pilipinas.

Ipagpatuloy lang ng Pilipinas ang kanyang ginagawa at huwag magpa-apekto sa Amerika.

Ito ang ipinayo ng security analyst at Philippine Institute for Peace, Violence and Terrorism Research Chairman Rommel Banlaoi kaugnay panukalang batas ni Pennsylvania Rep. Susan Wild sa US Congress na naglalayong alisin ang security assistance ng Amerika na ibinibigay sa Pilipinas dahil sa umano’y paglabag sa karapatang pantao.

Sa interview ng RMN Manila kay Banlaoi, ipinunto nito na ang US State Department at US Department of Defense ang dapat mabahala sa kanilang hakbang lalo na’t committed sila na ipagpapatuloy nila ang security assistance sa Pilipinas.


Ayon kay Banlaoi, nasa 50 hanggang 100 million US dollar lang ang security aid ng Amerika para sa Pilipinas, maliit kumpara sa military acquisition natin sa kanila na umaabot ng bilyon.

Binigyan diin pa ng security expert na mas malaki ang magiging kawalan ng US kung gagawin nila ito dahil mas malaki ang pakinabang nila sa Pilipinas.

Sinabi ni Banlaoi na marami pang bansa maaaring pagkuhanan ng security assistance ang Pilipinas, bukod sa Amerika.

Facebook Comments