Pilipinas, hindi dapat mapagod sa paghahain ng protesta laban sa China

Pinayuhan ni House Deputy Speaker at Batangas Representative Ralph Recto ang pamahalaan na magpatuloy sa paghahain ng protesta laban sa China.

Mungkahi ito ni Recto, kasunod ng panibaong insidente ng pangha-harass ng China sa ating Coast Guard na nagpapatrolya sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Recto, posibleng inaasahan ng China na mapapagod din tayo sa paghahain ng protesta kaya magbingibingihan man ang China sa ating mga protesta ay tiyak naman na naririnig ito ng buong mundo.


Para kay Recto, maituturing din itong ambag ng ng Pilipinas sa iba pang mga bansa na nakararanas din ng panggigipit ng China.

Bukod ito ay iginiit din ni Recto sa gobyerno na ipagpatuloy din ang pagpapatrolya o legal at tahimik na paglalayag sa karagatan na tayo naman ang may-ari.

Facebook Comments