DOTr, pinag-aaralan ang full electrical audit sa NAIA

Ikinokonsidera ng Department of Transportation o DOTr ang pagsasagawa ng full electrical audit sa NAIA Terminal 3 kasunod ng naranasang power outage sa terminal kahapon.

Sabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista, taong 2017 pa nang huling makapagsagawa ng electrical audit sa NAIA Terminal 3 mula nang mag-operate ito noong 2009.

Pero aminado ang kalihim na kakailanganin ng malaking pondo para rito gayundin ng mahabang panahon dahil dadaan pa ito sa procurement law.


Habang tatagl ng 60 hanggang 90 araw bago matapos ang full electrical audit sa terminal.

Bukod sa Terminal 3, inirekomenda rin ni Bautista ang pagsasagawa ng full electrical audit sa dalawa pang terminal ng NAIA.

Facebook Comments