Pilipinas, hindi kailangan mag-angkat ng maraming asukal, ayon sa isang grupo ng sugar producers

Binigyang-diin ng United Sugar Producers Federation (UNIFED) na hindi kailangan ng Pilipinas na mag-angkat ng maraming asukal.

Ayon kasi kay UNIFED President Manuel Lamata, nag-umpisa na ang sugar milling sa ilang bahagi ng bansa.

Paliwanag pa ni Lamata, mas mabuti na mag-angkat ng asukal na kalahati lang sa inirekomenda ni dating Sugar Regulatory Administration (SRA) head Manuel Serafica na 300,000 metric tons.


Sigurado rin aniya siya na sapat ang pag-angkat ng 150,000 metric tons ng asukal sa bansa upang mapababa ang presyo nito.

Tiniyak din ni Lamata sa publiko na aabot sa 100,000 tons ng raw sugar ang mapo-produce sa pagtatapos ng Setyembre.

Facebook Comments