Hindi kailangang gumanti ng Pilipinas sa ginagawang pambobomba ng tubig ng China Coast Guard.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Jay Tarriela, hindi natin kailangang gayahin ang China dahil may respeto tayo sa international laws.
Wala rin aniyang saysay kung gagawin ng Pilipinas ang pambobomba ng tubig sa mga barko ng China dahil hindi naman ito ang sukatan ng katapangan.
Sabi ni Tarriela, sapat na ang makita ang presensiya ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pinag-aagawang teritoryo para patunayan na hindi tayo umaatras sa China.
Bagama’t may mga water cannons din ang mga barko ng Pilipinas, ginagamit lang daw ito para sa pag-apula ng sunog sa karagatan at hindi para mang-harass ng kapwa.
Facebook Comments