Hinikayat ng Office of the Vice President (OVP) ang pamahalaan na palakasin ang hospital capacity sa harap ng banta ng Delta variant sa bansa.
Mababatid na hindi sapat ang hospital beds at health personnel noong COVID-19 surge noong Marso.
Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo, hindi dapat mangyari sa bansa ang surge na naranasan sa Indonesia, India at iba pang bansa.
Pero sinabi ni Gutierrez na welcome sa kanila ang hakbang ng Inter-Agency Task Force (IATF) na magpatupad ng restrictions sa NCR Plus bubble.
Iginiit ni Gutierrez na kailangan ng mga ospital ang karagdagang health personnel sakaling magkaroon ng surge.
May daing din ang ilang pribadong ospital dahil ang PhilHealth ay hindi pa binabayaran ang kanilang claims para sa COVID-19 patients, lalo na at kailangan nilang sahuran ang kanilang mga empleyado, at ilabas ang allowances ng medical frontliners.