Huling SONA ni Pangulong Duterte, ‘all systems’ go na – Speaker Velasco

67

rNakalatag na ang lahat para sa gaganaping State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte mamayang hapon.

Kabilang na rito ang safety protocols laban sa COVID-19 at security measures para sa lahat ng matataas na opisyal at dignitaryo.


Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, handa na nilang tanggapin ang mga magiging panauhin sa pinakahihintay na huling ulat sa bayan ng Pangulo sa mga Pilipino.

Inaasahang darating si Pangulong Duterte sa Batasan Complex bago mag-alas-dos ng hapon.

Ngayong umaga, bubuksan ng Kamara ang kanilang regular session para sa ikatlo at huling bahagi ng 18th Congress.

Facebook Comments