Pilipinas, hindi manghihimasok sa alitan ng Estados Unidos at China – Roque

Mananatiling neutral at hindi makisawsaw ang Pilipinas sa lumalalang tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at China.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi siya pwedeng magsalita alinman para sa US National Security Adviser o sa Spokesperson ng China dahil Tagapagsalita lamang siya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, inihayag na ni Pangulong Duterte na talagang magkakaroon ng mas na mainit na tensyon sa pagitan ng mga superpowers sa rehiyon pero hindi makikisali ang Pilipinas sa kanilang paligsahan ng kapangyarihan.


“And the President has said that there will be increased tensions among superpowers in the region. We do not want to take part in that drive for hegemony. We will assert our national interest and we would want a peaceful resolution to the West Philippine Sea dispute.” Ani Roque

Matatandaaang nag-ugat ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa nang akusahan ng China si US National Security Advisor Robert O’Brien nang pagtatangkang wasakin ang magandang ugnayan ng Pilipinas at China makaraan ang naging pahayag nito sa South China Sea dispute.

Facebook Comments