Pilipinas, hindi na dapat magsampa ng kaso sa 10-dash line map ng China — dating Supreme Court Justice

Hindi na dapat pang maghain ng kaso ang Pilipinas laban sa bagong pinalabas na “standard map” ng China na sumasakop sa mga teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay dating Solicitor General at Ret. Supreme Court Justice Francis Jerdeleza, dati nang napanalunan ng Pilipinas ang kaso laban sa 9-dash line ng China kaya dapat ibang mga bansa naman sa rehiyon ang maghain ng kaso laban dito.

Maaaring paraan lang din umano ito ng China upang inisin ang mga bansa sa rehiyon.


Gayunpaman, dapat umanong muling magsampa ng kaso ang pamahalaan laban sa China sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS dahil sa pagharang ng China sa mga resupply mission sa Ayungin Shoal.

Iminumungkahi rin ng dating Supreme Court justice na pangunahan na lamang ng Office of the Solicitor General ang pagsasampa ng kaso.

Facebook Comments