Suspek sa panibagong road rage sa Valenzuela, tukoy na ng PNP; lisensya sa baril, binawi

Kilala na ng Philippine National Police (PNP) ang suspek sa isa na namang road rage incident sa Valenzuela City.

Kinilala ni PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo ang suspek na si Marlon de Jesus Malabute, driver ng SUV sa nag-viral na video.

Ayon kay Fajardo, binawi na rin ng PNP Firearms & Explosives Office ang license to own and possess firearms ni Malabute na nagmamay-ari ng 9MM na pistol.


Pakiusap ni Fajardo kay Malabute, isuko na lamang ang kanyang baril dahil isa na itong loose firearm bago pa sila magkasa ng operasyon laban dito.

Una nang naglabas ng show cause order ang Land Transportation O LTO laban sa may ari ng naturang SUV.

Matatandaang si Malabute ay nagkasa ng baril sa isang taxi driver na nakagitgitan niya sa trapiko kamakailan.

Facebook Comments