Manila, Philippines – Hindi pa maghahain ng protesta ang Pilipinas laban sa umano’y panibagong aktibidad ng China sa Panatag o Scarborough Shoal.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman ASec. Charles Jose, kailangan pa nilang berepikahin ang nasabing report dahil galing lamang ito sa isang provincial level official ng China.
Oras anya na makumpirma nila ang sinasabing pagtatayo ng monitoring station ng China sa Panatag Shoal ay dito na sila maghahain ng diplomatic protest.
Kasabay nito, sinabi ni Jose na mahalagang palakasin at pagtibayin ng bansa ang ating maritime defense sa mga pinag-aagawang teritoryo.
Facebook Comments