Manila, Philippines – Pumalag ang Palasyo ng Malacañang sa report na inilabas ng Millennium Challenge Corporation na nagsasabi na nabigo ang Pilipinas na pigilan ang katiwalian sa bansa.
Ayon kay Incoming Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ibinase ang MCC Scorecard noong 2014, 2015 at 2016 na ang ibig sabihin ay hindi naisama sa MC Scorecard 2018 ang mga repormang ipinatutupad ng kasalukuyang administrasyon para pigilan ang katiwalian at isulong ang good governance.
Binigyang diin ni Roque na kitang kita naman ang mga ebidensiya na may mga hakbang na ginagawa ang Administrasyon para labanan ang katiwalian.
Ilan lamang aniya sa halimbawa ay ang pagsibak ni Pangulong Duterte sa ilang opisyal ng pamahalaan kabilang na ang Miyembro ng kanyang gabinete na pinaghihinalaang may bahid ng katiwalian o iregularidad.
Kabilang din aniya sa mga hakbang na ginawa ay ang pagpapatupad ng Freedom of Information sa executive department at ang pagbubukas ng 8888 na sumbungan ng publiko laban sa mga tiwaling taga gobyerno.
Pilipinas, hindi pumasa sa paglaban sa katiwalian?
Facebook Comments