Pilipinas, hindi sumablay sa pagkuha sa 50 milyon hiringgilya – Sec. Dizon

Itinanggi ni Presidential Adviser for COVID-19 Response Sec. Vince Dizon na may sumablay kaya hindi natuloy ang pagkuha ng Pilipinas sa 50 milyong hiringgilya.

Kasunod ito ng pahayag ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. na nawala ng oportunidad ang Pilipinas para makabili ng mas murang 50 milyong hiringgilaya mula sa Amerika.

Ayon kay Dizon, posibleng nagkaroon lamang ng miscommunication sa pagkuha ng Pilipinas sa 50 milyon hiringgilya.


Nauna nang itinanggi ni Health Secretary Francisco Duque III ang naging pahayag ni Locsin.

Paliwanag ni Duque, inalok sila ng supplier ng P411.5 milyon para sa 50 million syringes kung saan bawat hiringgilya ay nagkakahalaga ng P2.38.

Pero kapag tinanggap aniya nila ang kontrata ay lalabag sila sa Republic Act 9184 o sa Government Procurement Reform Act.

Facebook Comments