Pilipinas, hindi tinanggap ang UN resolution na mag-iimbestiga sa war on drugs

Hindi tinanggap ng Pilipinas ang resolusyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na iimbestigahan ang giyera kontra droga ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. – ang resolusyong inakyat ng Iceland sa UNHRC ay isang paglapastangan at biktima ng maling impormasyon.

Kwestyonable ang resolusyon dahil hindi nito nirerepresenta ang konseho, palaging target ang mga developing countries gaya ng Pilipinas.


Pinasaringan din ng kalihim ang mga bumotong pabor dito.

Iginiit ni Locsin na hindi tatanggapin ng Pilipinas ang isang “politically partisan” at “one-sided” resolution.

Facebook Comments