Pilipinas, hindi umano magbibigay ng ‘asylum’ sa mga refugees ng Afghanistan

Tiniyak ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin na walang ibibigay na “asylum” para sa mga taga-Afghanistan.

Ito ang sinabi ng kalihim sa gitna na ng nagpapatuloy na pagdinig ng P5.024-T ng 2022 national budget sa House Committee on Appropriations.

Dahil sa pangamba ng marami na makakapasok ang mga terorista sa bansa ay hindi magbibigay ng “asylum” para sa mga Afghan refugees maliban na lamang kung may “government-to-government” na kasunduan.


Tiniyak naman ni Locsin na nakahanda ang Pilipinas sa pagbigay ng tulong sa Afghanistan bilang bahagi na rin ng humanitarian action.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 187 na mga Pilipino mula sa Afghanistan ang nailikas na sa iba’t ibang bansa, 24 pa ang nasa Afghanistan habang 8 pang mga Pilipino ang ire-repatriate na ng gobyerno pauwi sa Pilipinas.

Tinitiyak ni Locsin na ginagawa ng gobyerno ang lahat ng paraan upang matiyak na ligtas ang mga natitirang Pilipino sa Afghanistan.

Facebook Comments