Pilipinas, hinihintay ang clinical trial protocol para sa Sputnik V COVID-19 vaccine – DOH 

Hinihintay na lamang ng Department of Health (DOH) ang clinical trial protocol para sa COVID-19 vaccine na Sputnik V mula Russia bago nila simulan ang evaluation para sa pagsasagawa ng clinical trials sa Pilipinas. 

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagkaroon na ng pag-uusap sa pagitan ng pamahalaan at ng Russian Embassy hinggil sa regulatory process at sa pagsasagawa ng clinical trial para sa Sputnik V na nakatakdang simulan sa lalong madaling panahon. 

Kasama rin sa napag-usapan ay regulatory process ng Russian vaccine. 


Una nang sinabi ng Food and Drug Administration (FDA) na handa nilang paikliin ang proseso mula sa vaccine experts panel review patungong ethical clearance hanggang sa FDA review at evaluation. 

Mula sa 55 araw, sisikapin ng FDA na gawing 43 araw ang proseso. 

Facebook Comments