Pilipinas, hinihintay ang pagdating ng 2.6 million COVID-19 vaccines ngayong buwan

Hinihintay ng Pilipinas ang pagdating ng halos 2.6 million doses ng COVID-19 vaccines ngayong buwan.

Ito ang sinabi ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 sa harap ng mga panawagang pabilisin ang vaccination program dahil sa lumolobong kaso.

Ayon sa NTF, inaasahang darating ngayong buwan ang 1.5 million doses ng CoronaVac vaccines mula Sinovac Biotech ng China, 100,000 doses ng Sputnik V vaccines ng Gamaleya Research Institute ng Russia, at isang milyong doses mula sa COVAX Facility.


Sa huling datos, aabot na sa 795,320 individuals na ang nabakunahan laban sa COVID-19.

Facebook Comments