Pilipinas, humakot na ng halos 120 medalya habang nangunguna pa rin sa 30th SEA Games

Nangunguna pa rin ang Pilipinas sa Medal run sa ika-apat na araw ng kompetisyon ng 30th Southeast Asian Games.

Nag-set ng bagong record si James Deiparine sa 100-meter Breaststorke at nakamit ang kauna-unahang Gintong Medalya ng Pilpinas mula pa noong Sea Games Laos 2009.

Silver Medal naman ang nasungkit ni Remedy Rule sa Women’s 200-Meter Butterfly Event, habang nagtapos sa ikatlong pwesto para makuha ni Jasmine Alkhadi ang Bronze Medal sa Women’s 100-Meter Freestyle.


Tumabo rin ang Pilipinas ng apat na gintong medalya sa obstacle racing, na kinabibilangan nina Kyle Redentor, Kaizen Dela Serna, Monolito Divina, at Deanne Moncada sa 400-Meter Mixed Team Assist Event.

Sinundan ito Nina Diana Buhler, Jeffrey Reginio, Klymille Rodriguez, at Nathaniel Sanches sa 400-Meter Mixed Team Relay Event.

Nagtapos sa unang pwesto si Rochelle Suarez (Gold) at ikalawang pwesto si Milky Mae Tejares (Silver) sa Women’s Inidividual 100-Meter Category.

Nakuha naman ni Kevin Jeffrey Pascua ang Gold Medal habang Bronze naman kay Mark Julius Rodela sa Men’s Individual 100-Meter Event.

Naimalas naman ni Marly Martir ang galing sa shooting nang makuha ang Gintong Medalya sa Individual Event, at nakakuha pa ng ikalawang Gold Medal kasama sina Franchette Quiroz at Elvie Baldivino sa Team Event.

Nahawakan ni Filipina Weightlifter Kristel Macrohon ang una niyang Gold Medal matapos manguna sa Women’s  71-Kilogram Category.

Sina Jearome Calica at Joemar Gallaza ay kapwa nakauwi ng gintong medalya sa Men’s Muay Thai Event, habang dalawang Silver Medals naman ang napitas nina Rusha Mae Bayacsan at Irendin Lepatan sa Women’s Event.

Sa ngayon, hawak pa rin ng Pilipinas ang unang pwesto na may 56-Golds, 41-Silvers, at 22 Bronze Medals.

Facebook Comments