Ibinaba na sa “high risk” mula sa “critical risk” sa COVID-19 ang national classification ng Pilipinas at ang National Capital Region.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ito ay matapos na bumaba ang two-week growth rate para sa buong pilipinas sa 176 percent.
Pero nananatili aniyang mataas ang Average Daily Attack Rate (ADAR) na nasa 25.46.
Samantala, nasa 65 percent na lamang aniya ngayon ang two week growth rate sa NCR mula sa 7,225% pero nasa 84.56 pa rin ang ADAR nito.
Sa kabila nito, nararanasan naman ng ilang lugar sa bansa ang pagsipa ng mga kaso ng COVID-19.
Una nang sinabi ni Duque na naabot na ng Metro Manila ang peak ng mga kaso ng COVID-19.
Facebook Comments