Pilipinas, ika-90 sa 110 bansa sa buong mundo na pinakamababang magpasuweldo sa mga manggagawa

Isa ang Pilipinas sa mahigit 100 bansa sa buong mundo na pinakamababang magpasweldo.

Batay ito sa datos ng isang International E-Commerce Website na Numbeo kung saan nangungulelat ang Pilipinas pagdating sa pagpapasuweldo ng mga manggagawa.

Nabatid na sa 110 bansa, pang- 90 ang Pilipinas na may average salary na 15,200 pesos malayo sa no.1 sa ranking na Switzertland na may 296,200 pesos na average.


Ikinalungkot naman ni ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay ang resulta ng nasabing datos dahil nagpapakita ito ng maraming implikasyon sa bansa.

Ang survey ay isinagawa nitong Agosto 2020.

Facebook Comments