Pilipinas, ika-anim sa mga bansang may pinakamaraming online threats nitong 2020

Higit sa apat sa bawat 10 online users sa Pilipinas ang nakatanggap ng web threats noong nakaraang taon.

Ito ang dahilan para humantong ang Pilipinas sa ika-anim sa mga bansang may pinakamaraming online threats nitong 2020.

Batay sa report ng cybersecurity firm na Kaspersky, lumalabas na nakapag-detect sila ng 44,410,695 na internet-borne threats sa mga Pinoy computers kung saan 42.2% ang halos infected.


Noong 2019, pang-apat ang Pilipinas na may 27,899,906 web threats at 44.4% infections.

Ang mga bansang may mataas na percentage ng web threats nitong 2020 ay Nepal (49.3%), Algeria (46.9%), Mongolia (44.5%), Somalia (44.0%), at Belarus (43.9%).

Ang mga bansang sumunod sa Pilipinas ay Malaysia (42.1%), Brunei (42.0%), Rwanda (42.0%), at Kenya (41.1%).

Ayon kay Yeo Siang Tiong, general manager for Southeast Asia ng Kaspersky, ang remote work, online classes, digitalization sa lahat ng sektor ay magpapatuloy ngayong taon bunga na rin ng pandemya.

Babala niya, sasamantalahin ng cybercriminals ang panahong ito dahil karamihan ay nasa loob lamang ng kanilang mga bahay.

Facebook Comments