Pilipinas, ika-apat sa pinakamatinding tinamaan ng kalamidad sa nakalipas na dalawang deklada – UN

Mas tumindi ang weather events sa nakalipas na 20 taon kung saan nag-iiwan ito ng human at economic toll sa buong mundo.

Batay sa taya ng mga eksperto, matinding init at tagtuyot ang isa sa malaking banta sa susunod na dekada lalo na at patuloy ang pagtaas ng temperatura ng daigdig.

Ayon sa United Nations, ang mga bansang matinding tinatamaan ng kalmidad ay China, Estados Unidos, India, Pilipinas at Indonesia.


Nasa 7,348 major disaster events ang naitala sa iba’t ibang panig ng mundo kung saan kumitil ito ng 1.23 million na tao at nakaapekto sa 4.2 billion na tao at nag-iwan ng 2.97 trillion dollars na economic loss.

Karamihan sa mga nag-iiwan ng pinsala ay tagtuyot, baha, lindol, tsunami, wildfires at matinding init.

Ayon kay UN Secretary General Special Representative for Disaster Risk Reduction Mami Mizutori, kailangang mag-invest ang mga pamahalaan sa early warning systems at magpatupad ng disaster risk reduction strategies.

Una nang sinabi ng World Meteorological Organization (WMO) na ang temperatura ng daigdig ay patuloy pang tataas sa susunod na limang taon.

Facebook Comments