Pilipinas , ikaapat sa pinakadelikadong bansa sa buong mundo

Pang-apat ang Pilipinas sa pinaka-delikadong lugar sa buong mundo para sa mga sibilyan.

Ito ay base sa inilabas na report ng US-based data group na Armed Conflict Location and Event Project (ACLEP).

Dahil umano ito sa serye ng karahasang resulta ng war on drugs Administrasyong Duterte.


Nakasentro raw ang mga pagpatay sa mga sibilyan sa Central Luzon at Calabarzon na umabot sa 490.

Bukod sa mga drug suspects, nakasaad din sa report na ang mga opisyal ng gobyerno ang ikalawa sa mga target ng patayan sa Pilipinas.

Samantala, nangunguna naman sa listahan ang India na nakapagtala ng 1,185 na pag-atake sa mga sibilyan; pangalawa ang Syria, 1,160 at Yemen, 500.

Facebook Comments