Pilipinas ikinatuwa ang pagpapalaya sa 3 Pinoy sa Libya

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasagip na ang tatlong Pinoy OFW na dinukot ng mga armadong lalaki sa Libya.

Nagpaabot na rin ng pasasalamat ang Embahada sa mga awtoridad ng United Arab Emirates, Libya, South Korea at iba pang kaalyadong bansa sa ligtas at mabilis na pagsagip sa tatlong OFW at mga kasamahang Korean.

Ang tatlong Filipino engineers ay dinukot ng armadong kalalakihan mula sa project site ng Great Man-Made River Project sa katimugang bahagi ng Libya 10 buwan na ang nakakaraan.


Inihahanda na ang proseso para mapauwi na ang tatlo sa Pilipinas.

 

Facebook Comments