Manila, Philippines – Itinigil na ng Pilipinas ang relasyong pangkalakalan nito sa North Korea.
Ayon kay Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, ito ay bilang tugon sa resolusyon o sanction na ipinataw ng United Nations Security Council hinggil ng patuloy na missile test ng NoKor.
Sabi pa ni Cayetano, ang Malakanyang na mismo ang nagsabi na dapat suportahan ang U-N Security Council sa ukol sa usaping ito.
Ang Pilipinas ay ang ika-limang pinakamalaking trade partner ng North Korea, kung saan aabot sa 28 million dollars ang bilateral trade nito mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon pa lamang.
Noong 2016, tinatayang nasa 28.8 million dollars na halaga ng mga produkto ang inaangkat ng NoKor sa Pilipinas.
Facebook Comments