Pilipinas, itinuturing nang “deadliest country in Asia” para sa mga environmental defenders

Itinuturing na ngayon ang Pilipinas bilang “Deadliest country in Asia” para sa mga environmental defenders.

Ayon sa international watchdog na Global Witness, pumapangalawa na rin ang bansa sa most dangerous in the world na sumunod lamang sa bansang Colombia.

Ipinaliwanag ng Global Witness na ito ay dahil sa 43 ang naitalang pinaslang noong nakaraang taon dahil sa pagtatanggol sa mga lupain na mas mataas kumpara sa 30 kaso noong 2018.


Kabilang sa mga sinasabing pinatay ang mga magsasaka at ilang pinuno ng Indigenous groups kung saan ang ilan sa kanila ay ang mga tumututol sa illegal logging at pagmimina na nakakasira sa kalikasan.

Facebook Comments