Rekomendasyong buksan ang mga gym, review centers, pet grooming at computer shops sa GCQ areas sa Agosto, aprubado na ng IATF

Aprubado na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) na payagan ang partial reopening ng ilan pang sektor sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Kabilang sa mga papayagang mag-operate simula August 1, 2020 ay ang mga tutorial at review centers, gyms, computer shops, aesthetic services at pet grooming.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, papayagan silang mag-operate at 30% capacity, at palalawigin sa 50% sa mga susunod na linggo.


Tiniyak naman ng DTI ang istriktong pagpapatupad ng protocols.

Ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo, mahalagang mabuksan ang mga nabanggit na sektor para hindi tuluyang magsara ang mga negosyo at hindi na rin madagdagan ang mawawalan ng trabaho.

Facebook Comments