Pilipinas, ititigil muna ang deployment ng OFW sa Afghanistan

Ititigil muna ng Pilipinas ang pagpapadala ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Afghanistan matapos na mapasok na ng Taliban forces ang Kabul.

Inanunsyo ito ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., habang ginagawa ng Philippine Embassy sa Pakistan ang lahat ng paraan para mailikas nang ligtas ang mga natitira pang Pinoy sa lugar.

Ayon kay Locsin, titiyakin din nila na walang mangyayaring trafficking ng mga Pilipino sa Afghanistan.


Sa ngayon, ayon kay DFA Assistant Secretary for Public Diplomacy Eduardo Meñez, 80 Pilipino na nananatili pa sa Afghanistan ang patuloy na nakikipag-ugnayan sa Embahada ng Pilipinas sa Islamabad.

Sabi naman ni Joseph Glenn Gumpal, leader ng Filipino community sa Kabul, ligtas pa sila sa ngayon, pero natatakot na rin sila sa posibleng mangyari oras na mapuntahan ng Taliban forces ang kanilang tinitirhan.

Facebook Comments