
Pinagtibay ng Pilipinas, Japan, at US ang kooperasyon nito para sa isinagawang ika-15 Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) mula Pebrero 20 hanggang 26 sa West Philippine Sea.
Kung saan tinampok ng Pilipinas ang assets nito, kagaya ng BRP Antonio Luna (FF151) na may sakay na AW159 helicopter, FA-50 fighter jets, C-208B, A-29 Super Tucano, Sokol Search and Rescue helicopter, at ang BRP Gabriela Silang (OPV 8301) ng Philippine Coast Guard.
Ang Japan naman, ginamit ang P-3 Orion maritime patrol aircraft, habang ang United States ay idineploy ang USS Dewey (DDG 105) at ang P-8A Poseidon.
Isinagawa ang iba’t-ibang exercises, kagaya ng communication drills, maritime domain awareness, joint air patrols, anti-submarine warfare, at live-fire gunnery exercise.
Ayon sa AFP, layon ng MMCA na palakasin ang interoperability, maritime security, at pagbabantay sa karagatan sa rehiyon.










