Nangako ang 45 na bansa kabilang na ang Pilipinas na babawasan ang kanilang greenhouse gas emissions upang maprotektahan ang kalikasan.
Sa opisyal na pahayag ng COP26 UN Climate Summit, binigyang-diin na dapat mapalakas ang mga programa na makakatulong upang maiwasan ang paglala ng global warning kung saan halos kalahati na umano ng mundo ang umiinit.
Kabilang sa mga sentro ng COP26 summit ay ang layuning huwag tumaas sa 1.5 degree celsius ang global temperature.
Bunsod nito, nangako ang 45 bansa na agad na gagawa ng aksyon para maprotektahan ang kalikasan at isusulong ang ecological way ng pagsasaka.
Kabilang sa mga ito ay ang Amerika, Japan at Germany at ilang developing nation tulad ng India, Indonesia, Morocco, Vietnam, Gabon, Ethiopia, Ghana, Uruguay, at Pilipinas
Nabatid na isa sa mga pinagmumulan ng greenhouse gas emissions ay sa mga nasusunog na kagubatan at mga lupain na ginagamit sa pagtatanim.