Pumangatlo ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamaraming binibinyag na sanggol.
Batay sa report ng Catholic News Service na ibinahagi ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), nakapagtala ang Pilipinas ng higit 1.6 million baptisms sa mga batang may edad pitong taong gulang pababa nitong katapusan ng 2019.
Kasunod ang Mexico na may 1.48 million, Brazil na nasa 1.05 million, US na may 595,286, at Colombia na may 442,396.
Sa kabuoan, ang Pilipinas ay nananatiling pasok sa Top 5 ng mga bansang may pinakaraming nabinyag na Katoliko.
Sa ngayon, aabot na sa 1.34 billion ang mga Katoliko sa buong mundo o katumbas ng 17.7% ng global population.
Karamihan sa mga Katoliko ay naninirahan sa Americas na may 48.1%, kasunod ang Europe na may 21.2%, Africa na may 18.7%, at 11% sa Asia, at 0.8% sa Oceania.
Ang Annuario Pontificio ay inilabas nitong Marso at naglalaman ng mga datos mula sa Vatican office, at mula sa iba’t ibang diocese at religious orders sa buong mundo.