Pilipinas, kailangang mas maging resilient sa gitna ng kalamidad ayon sa NDRRMC

Inihayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na gumagawa na sila ng hakbang upang mas maging resilient ang bansa laban sa mga natural calamities.

Pahayag ito ng NDRRMC matapos ituring ang Pilipinas bilang most-disaster prone country sa pinakahuling World Risk Index.

Ayon kay NDRRMC Assistant Secretary Bernardo Alejandro IV, hindi ito magiging madali dahil ang bawat isa ay may dapat maitulong sa paghahanda ng bansa sa mga kalamidad.


Aniya, dapat maghanda ang lahat nang maaga at dapat matukoy ang mga imprastraktura na dapat bubuuin sa disaster resilience.

Iginiit din ni Alejandro ang kahalagahan ng local leadership sa pagpapatupad ng maayos na plano sa disaster preparedness.

Facebook Comments