Kasama na ang Pilipinas sa “grey list” o mga bansang masusing binabantayan ng Financial Action Task Force (FATF) sa usapin ng money laundering at terrorism financing.
Ang FATF, ay isang international organization na nagsasagawa ng pandaigdigan hakbang na masawata ang money laundering at terrorism financing.
Pasok din sa watch list ang Haiti, Malta at South Sudan.
Dahil dito, aabot na sa 22 bansa ang nasa ilalim ng grey list ng international watchdog mula nang ilunsad ito noong 1989.
Facebook Comments