Pinakakulelat pa rin ang Pilipinas sa COVID Resilience Ranking ng Bloomberg para ngayong buwan ng Oktubre.
Ito ay matapos lumapag sa panghuling pwesto ang bansa na nakakuha ng pinakamababang overall resilience score na 40.5.
Ilan sa mga bansang nasa dulong bahagi ng ranking ay ang Indonesia, Romania, Malaysia, Thailand at Vietnam na naglalaro ang ranking sa 49 hanggang 52.
Nanguna naman sa dapat tirhan sa gitna ng COVID-19 pandemic ang Ireland, sinundan ng Spain, United Arab Emirates, Denmark at Finland.
Ibinase ang ranking sa bilang ng mga taong nabakunahan, lockdown, kapasidad ng mga bumibiyaheng eroplano at travel routes para sa mga nabakunahan na.
Nitong Setyembre, nangulelat din ang Pilipinas sa nasabing ranking dahil sa epekto ng Delta variant kasabay ng kulang na testing.