Pilipinas, kulelat sa sektor ng pampublikong transportasyon ayon sa isang pag-aaral

Lumabas sa pag-aaral ng think tank na ‘Oliver Wyman Forum’ at University of California na kulelat ang Pilipinas sa sektor ng pampublikong transportasyon.

Ayon sa 2022 Urban Mobility Readiness Index, sa sinuring 60 mga lugar, pang-56 ang Pilipinas sa ‘public transit’, pang-48 sa sustainable mobility at pang-58 sa urban mobility readiness.

Sinurin ang mga lungsod batay sa kalidad ng pampublikong sasakyan, bilis ng biyahe at tagal ng paghihintay ng mga pasahero at kung anong mga pagsisikap ang ginagawa upang makabuo ng mas magandang mobility ecosystem.


Ayon pa sa pag-aaral, posibleng maibsan ang problema sa transportasyon kung babawasan ang pag-aari ng mga pribadong sasakyan sa Maynila na ‘siksikan’ at ‘polluted.’

Malaking hamon din sa road transport sa Maynila ang mahinang kalidad ng mga kalsada at ang limitadong regional connectivity na ibinibigay ng national road network.

Facebook Comments