Manila, Philippines – It’s still more fun in the Philippines, ito ang binigyang diin ng Palasyo ng Malacañang sa harap narin ng mga inilabas na travel advisories ng ibang bansa sa pilipinas at pagkansela ng maraming turista sa pagpunta sa bansa.
Ito ay matapos ang pagsugod ng teroristang grupong AbuSayyaf sa Bohol na napigilan naman ng Militar, Philippine National Police satulong narin ng lokal na pamahalaan at publiko.
Tiniyak ni Presidential Spokesman Ernesto Abella nanananatiling ligtas na magtrabaho, mag negosyo at mamasyal sa Pilipinas.
Naiintindihan naman aniya ng Malacañangng concern ng mga foreign Governments dahil sa kanilang mamamayan na nasa pilipinas pero on topof the situation parin naman ang gobyerno at patuloy na nakikipagugnayan ang department of tourism sa kanyang counterpart kaugnay sa naturang usapin.
Umapela parin naman ang Malacañang sa publiko namanatiling mapagmatyag sa paligid at agad na isumbong sa otoridad ang ano mang makikitang banta sa seguridad.
Pilipinas, ligtas parin ayon sa Palasyo
Facebook Comments