Pilipinas, ‘low risk’ na sa COVID-19

Inilagay na ng Department of Health (DOH) sa “low risk classification” ng COVID-19 ang buong Pilipinas.

Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, nakapagtala ang bansa ng negative growth rate sa loob ng dalawang linggo.

Ito ay dahil sa pagbaba ng mga kaso at unti-unting pagbagal ng hawaan ng virus.


Gayunman, nananatili pa rin sa ‘moderate risk’ ang ilang rehiyon sa bansa kabilang ang Metro Manila, MIMAROPA, Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley at Zamboanga Peninsula.

Facebook Comments