Mag-e-export na ng okra ang Pilipinas sa South Korea simula sa panahon ng anihan sa pagitan ng taong 2021 at 2022.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, inaasikaso na lamang ang ilang supply requirements sa pagitan ng dalawang bansa para masimulan na ang pag-e-export ng okra.
Aniya, isa sa mga kondisyon ng pamahalaan ng South Korea para matuloy ang pag-e-export ay ang pag-iinspeksyon ng mga taniman ng okra sa Tarlac kung saan kukunin ang karamihan sa mga okrang ipapadala sa kanilang bansa.
Facebook Comments