Pilipinas, magiging host country ng 2024 Forbes Asia Forum and Global CEO Conference

Aprubado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagho-host ng Pilipinas ng 2024 Forbes Asia Forum and Global CEO Conference.

Ang desisyon ay ginawa ng pangulo kasunod ng pakikipagpulong nito sa senior executives of Forbes Media sa Malacañang kagabi.

Nagpahayag ng pag-asa ang punong ehekutibo na maipapakita sa nabanggit na conference kung ano ang Pilipinas sa kasalukuyan sa gitna na rin ng pagsisikap ng kaniyang administrasyon na makahikayat pa ng mas maraming foreign investors.


Magtitipon-tipon sa nasabing conference ang mga CEO sa iba’t ibang bahagi ng mundo, entrepreneurs, mga mamumuhunan at mga lider at pag-uusapan ang key issues of international concern habang inaasahan din ang pagbuo ng bagong partnerships.

Ang global conference ngayong taong ito ay gagawin sa Singapore sa darating na Setyembre na kung saan ay imbitado si Pangulong Marcos.

Facebook Comments