Pilipinas, magpapadala ng suplay ng oxygen tank sa Indonesia

Magpapadala ng mga sobrang suplay ng oxygen ang Pilipinas papuntang Indonesia kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Ayon kay Philippine Ambassador to Indonesia Leehiong Wee, nakipagpulong na siya kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez para sa mga gagawing plano.

Nabatid na kulang na kulang kasi aniya ang suplay ng oxygen sa Indonesia kung saan may kamahalan din ang presyo.


Sa ngayon, maliban dito ay nakipag-ugnayan na ang Indonesia sa mga exporter na tutulong sa pagpapadala ng mga oxygen tank.

Matatandaang kahapon, inaprubahan na ni Pangulong Rodrido Duterte na makasama ang bansang Indonesia sa travel ban na ipinatutupad ng Pilipinas simula alas-12:01 ng madaling-araw ng July 16 at magtatagal hanggang alas-11:59 ng gabi ng July 31.

Facebook Comments