Humingi na ng tulong ang Pilipinas sa mga kalapit na bansa sa Asya para sa disaster at relief efforts kaugnay sa pananalasa ng Bagyong Kristine sa bansa.
Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro, inaasahan kasi nila ang worst case scenario dahil posibleng lumawak pa ang pinsala na iiwanan ng bagyo.
Makikipag-ugnayan na aniya ang Department of National Defense (DND) sa kanilang mga international counterparts partikular sa ASEAN countries para sa dagdag na resources para sa search, rescue and relief operation.
Bukod dito, nakipag-ugnayan na rin ang Pilipinas sa Amerika para sa panibagong tulong.
Partikular dito ang airlift capability at iba pang manpower na maaaring maipahiram sa Pilipinas.
Gayunpaman, nilinaw ng kalihim na hindi pa nagre-request ang gobyerno sa ibang bansa dahil minamaximized pa nila ang lahat ng resources at kaya pa namang tumugon ng pamahalaan.
Pero oras aniya na mag-request ang bansa ng tulong sa mga international counterpart, ay kailangan nakalatag na kung ano ang mga gagawin at saan dadalhin ang mga tulong.