Lumabas sa isang pag-aaral na mula sa 79 na bansa, ang Pilipinas ay mahina pagdating sa pagbabasa.
Ito ay batay sa Reading Literacy Assessment ng Inter-Government Group na Organisation for Economic Co-Operation Development (OECD).
Nagsagawa sila ng two-hour Programme for International Student Assessment (PISA) exam sa 600,000 15-year old students sa iba’t-ibang panig ng mundo nitong 2018.
Ang resulta, ang mga Pilipinong estudyante ay nakakakuha lamang ng marka na 340 points pagdating sa reading comprehension exams, mababa sa average na 487 points.
Ayon sa OECD, mahalaga sa iba’t-ibang aktibidad ng isang tao ang marunong sa pagbabasa.
Pumangalawa sa huli ang Pilipinas pagdating sa Math at Science.
Nakakuha lamang ang bansa ng 353 sa Mathematics, mababa sa itinakdang average na 489 points, at sa Agham na may markang 336, mababa rin sa average na 489 points.
Ito ang unang pagkakataon na nakilahok ang Pilipinas sa PISA.